
Break muna sa drama ang stars ng GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit para maghatid ng good vibes sa social media.
Malayong-malayo sa kanilang matitinding eksena, ipinakita nina Herlene Budol, Pinky Amador, Thea Tolentino, at Jeff Moses ang masaya nilang samahan sa set sa video na ito na ipinost ni Herlene sa kanyang Facebook page.
Patunay rin ang isa pang nakakaaliw na video na ito na ipinost ni Pinky sa Instagram na walang bad blood sa pagitan nila ni Pokwang.
Biro pa ng batikang kontrabida, "Kembot muna bago [puksaan] sa #BinibiningMarikit with our very own #DanceDiva @itspokwang27."
Samantala, sa finale ng Binibining Marikit, nasa kamay ng viewers ang happy ending ng bidang si Ikit (Herlene).
Sagutan ang poll sa ibaba kung si Drew (Tony Labrusca) o si Matthew (Kevin Dasom) ang nais ninyong makatuluyan ni Ikit sa serye.
Mapapanood ang huling dalawang episode ng Binibining Marikit ngayong Huwebes (June 26) at Biyernes (June 27) sa oras na 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Related content: The fashionable fits of the cast of Binibining Marikit