GMA Logo Herlene Budol
Source: Herlene Budol (FB)
What's Hot

Biro ni Herlene Budol na gusto niya maging contractor, sineryoso ng isang netizen

By Aedrianne Acar
Published September 2, 2025 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TikTok star Nurse John among Forbes Top 50 Creators for 2026
Magnitude 4.9 quake jolts waters off Davao Occidental
Alex Eala, Venus Williams advance to Bad Homburg Open doubles quarterfinals

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Nilinaw ni Herlene Budol ang biro niya sa Facebook.

Nananatiling hot topic pa rin ngayon ang naging rebelasyon ni President Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. tungkol sa 15 contractors na nakakuha ng 20 percent share ng PhP 545 billion budget for flood control.

Kahit ang pamilya ng contractors, hindi nakaligtas sa pagtatanong sa social media. Meron din social media influencers na konektado sa mga nabanggit na contractors na sinisilip ang marangyang pamumuhay dahil sa posts nilang mamahaling gamit at expensive trips abroad.

Kaya naman ang Sparkle comedian at TiktoClock host na si Herlene Budol, pabirong nag-post sa Facebook page niya noong August 29 na: “Parang gusto ko tuloy maging Contractor nalang kesa mag Artista.”

Sa comment section ng naturang post, ibinahagi ni Herlene na tila may isang tao na masyadong pinaniwalaan ang kanyang joke.

Paglilinaw ni Herlene, “Natawa naman ako may nag PM sa akin wag ko daw gawin pagiging contractor. Komedyante po ako kuya, sineryoso mo naman ang caption ko. Kung pag pipiliin ako between artista o contractor baka ikaw pa piliin ko kuya. I lab you.”

Itinanghal na first-runner up ang Kapuso beauty sa Binibining Pilipinas 2022 pageant at kamakailan lang ay napanood siya sa afternoon series na Binibining Marikit kung saan nakasama niya sina Tony Labrusca at Kevin Dasom.

RELATED CONTENT: