
Kaabang-abang ang exciting celebrations ngayong Linggo (November 10) sa The Boobay and Tekla Show.
Magkakaroon ng birthday bash ang isa sa hosts ng programa na si Boobay at nagbabalik ang kanyang co-host na si Super Tekla sa TBATS matapos ang kanyang two-month break.
Makakasama rin nila ang ilang cast members ng Bubble Gang, na ipagdiriwang ang kanilang 29th anniversary ngayong buwan.
Sasabak sina Sparkle stars Kokoy De Santos, Cheska Fausto, Matt Lozano, at Buboy Villar sa bagong guessing game na “Sound Check,” kung saan kailangan nilang hulaan ang mga tunog na kayang gayahin ng TikTokers.
Para ipagdiwang ang birthday ni Boobay, sasalang ang Mema Squad na sina Ian Red, Pepita Curtis, at John Vic De Guzman sa quiz game na “How Well Do You Know Boobay?”
Huwag palampasin ang masayang selebrasyon sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:10 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.