GMA Logo raymond gutierrez and tim yap
What's Hot

Birthday party nina Tim Yap at Raymond Gutierrez, iniimbestigahan

By Dianara Alegre
Published January 28, 2021 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jimuel Pacquiao scores 1st win with 2nd-round KO of Darrick Gates
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

raymond gutierrez and tim yap


Patuloy ang imbestigasyon sa isinagawang birthday party nina Tim Yap at Raymond Gutierrez.

Inulan ng batikos sa social media ang birthday party ng celebrities na sina Raymond Gutierrez at Tim Yap dahil umano sa paglabag ng mga ito at ng mga dumalo sa health protocols laban sa COVID-19.

Ayon sa report ni Saleema Refran sa 24 Oras, nagdiwang si Tim ng kanyang birthday sa The Manor Hotel sa Baguio City noong January 17, at viral ngayon ang ilang video clips na ni-repost ng netizens mula sa Instagram Story niya.

Tim Yap

Source: officialtimyap (Instagram)

Makikita sa videos na nakibahagi sa tradisyonal na sayaw si Tim kasama ang ilan sa kanyang mga bisita kabilang ang ilang kilalang personalidad.

Makikita rin ang ilan na walang suot na face mask at hindi na rin nasunod ang social distancing.

Ayon sa Department of Tourism Cordillera, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa isang party na naganap sa isang accredited na establisimyento kung saan nalabag umano ang minimum health protocols.

Pero hindi binanggit kung anong establisimyentong binigyan ng notice to explain at kung kailan nangyari ng party.

Sa isang pahayag na ipinadala sa GMA News, dinepensahan ni Tim ang nangyari dahil event daw ito para i-promote ang mga destinasyong muling nagbukas sa Baguio.

“Please don't call it a party. It was a dinner and the event was to promote existing tourist destinations that were recently reopened,” aniya.

“In fact, the video you see dancing was only a few minutes snapshot versus three to four days of responsible touring of Baguio to promote local artists and businesses that were finally reopened for tourists after almost a year of no business,” dagdag pa niya.

Raymond Gutierrez

Source: mond (Instagram)

Samantala, umani rin ng batikos ang viral photos at videos na kuha sa birthday party ni Raymond Gutierrez sa La Picara Restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig noong isang linggo.

Sa mga litrato, makikitang walang suot na face mask at wala ring physical distancing. Nag-post din ang isa sa mga dumalo na nagpa-PCR test daw at negatibo sila sa SARS-CoV-2.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, “Any kind of testing does not excuse you from the rules of RCT. Mayroon ho tayong patakaran. Hindi ho dahil nagpa-test kayo exempted ho kayo, we want to make that very clear.”

Ang nasabing restaurant ay pinasara muna ng lokal na pamahalaan ng Taguig.

“Habang nagme-meeting tayo ngayon, lahat ng empleyado ng restaurant na 'yon kahit 'yung mga kapitbahay nagte-test ngayon. We hold the establishment responsible until the investigation is over,” sabi pa ni Mayor Cayateno.

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.

Samantala, silipin kung paano nag-celebrate ng birthday ang mga paborito ninyong artista habang may quarantine: