
Sa ikalawang bahagi ng Dear Uge Presents: Wife For Hire, tuluyan nang nag-move in si Ems (Eugene Domingo) sa bahay ni Joms (Zoren Legaspi) para mataboy si Ofelia (Maureen Larrazabal), ang hipag ng nahuli.
Kahit na ilang beses nilang ipinamumukha na sila ay isang happily in love na married couple, hindi pa rin mapaniwala si Ofelia kaya napagisipan nitong manatili muna hanggang makuha nito ang insurance money ng kanyang kapatid.
At dahil matalino si Ofelia, inimbitahan nito si Pax (EA Guzman) para makipaginuman kasama niya at dito niya nabisto na isang fake marriage lang pala ang dalawa!
May masamang balak kaya si Ofelia sa impormasyong ito? Ano ang gagawin niya kina Ems at Joms?
Source: Carlo del Prado - Dear Uge
Tunghayan ang kuwentuwaang iyan sa Dear Uge Presents: Wife For Hire (Part 2) kasama sina Eugene Domingo, Zoren Legaspi, Maureen Larrazabal, at EA Guzman ngayong Linggo, February 14, sa GMA-7!