
Sa episode ng Inagaw Na Bituin noong Huwebes, March 14, alam na ni Elsa (Kyline Alcantara) na si Ariela (Therese Malvar) ang dahilan kung bakit nadisgrasya ang kaniyang inang si Aurora (Angelu de Leon).
Hindi lang sa stage nagtuos sina Elsa at Ariela. Matapos ang kanilang performance para makapasok sa finals ng singing competition, nagkaroon sila ng komprontasyon.
Bistado na ni Elsa ang kasamaang ginawa ni Ariela na nagpahamak kay Aurora.
Panoorin:
Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.