GMA Logo Biyahe Ni Drew Mount Pulag
Photo source: Biyahe ni Drew Facebook page
What's on TV

Biyahe ni Drew: Alamin ang mga patakaran sa pag-akyat sa Mt. Pulag

By Ron Lim
Published January 24, 2026 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saan nagmula ang Easter egg hunting? | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

Biyahe Ni Drew Mount Pulag


Kailangan tandaan ng mga baguhan sa Mount Pulag ang mga patakarang ito.

Kung ang usapan ay tungkol sa mga importanteng bundok ng bansa, hindi mawawala sa usapan ang Mount Pulag, ang ikatlo sa pinakamataas na bundok sa bansa at pinakamataas na bundok sa Luzon.

Ilang beses nang binisita ng Biyahe ni Drew, kung kaya hindi na nakakagulat na merong mga tips si Biyahero Drew para sa mga hindi pa naranasang maakyat ang bundok na ito.

Unang payo ni Drew bago pa man magsimula umakyat sa Mount Pulag ay magpa-reserve dahil limitado lamang ang mga taong pinapayagan umakyat dito. Kinakailangan din magbigay ng medical certificate at pumunta sa mandatory orientation at registration sa opisina ng Mount Pulag. Pinapayuhan din ang mga aakyat ng Mount Pulag na huwag magiwan ng basura sa bundok at huwag magdala ng galing sa labas na hayop at halaman dahil maaari nitong wasakin ang ecosystem ng Mount Pulag.

Pagkatapos gawin ang mga ito, maaaring subukan ng mga baguhan sa pag-akyat sa Mount Pulag ang Ambangeg Trail, ang pinakabanayad na daan para marating ang tuktok ng bundok. Aabutin lamang ng apat na oras bago marating ang tuktok ng bundok gamit ang trail na ito, kumpara sa dalawa o apat na araw na kinakailangan kung ibang trail ang tatahakin. Gayunpaman, kailangan pa ring mag-ehersisyo dalawang lingo bago subukan ang Ambangeg Trail.

Dahil sa lamig sa bundok, payo ni Drew na kaagad magpalit sa tuyong damit pagdating sa unang campsite. Kinakailangan ding panatiliin ang init ng katawan sa pamamagitan ng pagsuot ng mga makakapal na damit.

Habang inaakyat ang Mount Pulag, maraming mga tanawin ang makikita ng mga biyahero, tulad ng Mossy Forest. Meron ding spring water sa daan na maaaring inumin kung hindi sensitibo ang tiyan.

Panooring ang buong episode ng Biyahe ni Drew sa baba.

Ang Mount Pulag ay isa lamang sa mga destinasyon sa bansa na maaaring puntahan ng mga biyehro. Nandiyan din ang Jawili Falls sa bayan ng Tangalan, Aklan; ang Kaparkan Falls ng Abra, ang Dialang Falls sa San Ildenfonso, Aurora; at ang Masungi Georeserve.

Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.