
Ang bagnet, longganisa, at pakbet ay tatlo sa mga pinakapopular na putahe ng Ilocos Norte. Pero nasubukan mo na bang kainin ang mga ito sa ibabaw ng isang pizza?
Isa sa mga inahahaing putahe sa Kusina Valentin sa Barangay Sangladan, Paoay, Ilocos Norte ay ang Ilocos All Stars sampler pizza, kung saan ang longganisa, bagnet, at pakbet ay ginagawang toppings sa pizza. Imbes na hot sauce o ketchup, bgoong ang ginagamit na pandagdag lasa.
“We want to create a fusion between traditional Ilocano food and mainstream Western food,” paliwanag ni Rico Diaz, ang may-ari ng Kusina Valentin. “Kaya nga ang ginawa naming 'yung Ilocos All Stars or Ilocos Sampler Pizza, we wanted to combine everything on a mainstream dish to promote Ilocano creature and to reach a wider audience, and to also have something na kakaiba.”
Panoorin ang buong episode sa baba.
Hindi lamang ang Ilocos All Stars ang kakaibang putahe na masusubukan sa iba't ibang parte ng bansa. Nariyan rin ang bulcachong o “bulalong kalabaw na luto ni Chong”, ang mga tipaklong na gingawang meryenda sa South Cotabato, ang pokpoklo at sugod-sugod ng Laoag, at ang kumanoy ng Angono, Rizal.
Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.