
Para sa mga dog lovers at dog owners, importanteng parte ng kanilang buhay ang kanilang mga alagang aso at hindi malayong pinaghahandaan nila ang pagtanda ng kanilang mga fur baby. Tulad nila, nais ng Hound Haven sa Angat, Bulacan ang maayos at tahimik na pag-retiro para sa mga aso, specifically ang mga aso na nagsilbi sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Itinampok ang Hound Haven sa episode ng Biyahe ni Drew sa Bulacan. Ayon kay Jerome Arcebal, corporate secretary ng Hound Haven, layunin nila na mapabuti ang kalagayan ng mga retiradong working dog. Ibinahagi rin niya ang mga paraan kung paano makakatulong ang mga ordinaryong tao upang mapabuti ang pagretiro ng mga asong ito.
“Adopting is an option. Visiting the K-9s, very useful 'yan dahil nakakatulong 'yan sa rehabilitation nila. Pwede ring mag-donate at mag-sponsor,” saad niya.
Matatagpuan ang Hound Haven sa loob ng Numana Farm. Maliban sa Hound Haven, matatagpuan din sa farm ang animal feeding area para sa mga batang bisita at vegetable picking area para sa mga mommies at titas.
Panoorin ang buong feature rito.
Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.