GMA Logo Lambanog perfume
Photo source: Biyahe ni Drew Facebook page
What's on TV

Biyahe ni Drew: Lambanog, pwede ring gawing pabango?

By Ron Lim
Published July 4, 2025 3:16 PM PHT
Updated July 4, 2025 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Pres. Bongbong Marcos signs the P6.793-T budget for 2026 | GMA Integrated News
Ilonggo filmmaker wins Best Screenplay in New York
Beyond the stigma: Project Headshot Clinic celebrates 18th installment, 'Amorphous'

Article Inside Page


Showbiz News

Lambanog perfume


Maaaring subukan sa Liliw, Laguna ang mga pabango na gawa mula sa inumin na lambanog.

Kapag naririnig ng mga Pilipino ang salitang lambanog, hindi maiiwasan na isipin nila ang reputasyon nito bilang pampainit ng lalamunan at nakakalasing na inumin. Pero nadiskubre ng Biyahe ni Drew na para sa isang bayan sa Laguna, kilala rin ang Lambanog bilang pabango.

Matatagpuan sa Liliw, Laguna ang lambanog perfume na may mga pangalan tulad ng Coco Chay, Coco Karlus, at Coco Kaye. Produkto ito ng brand na Esmeris, na pagmamay-ari ni Vitor Esmeris. Kinukuha niya ang mga pangalan ng pabango mula sa mga pangalan ng mga kamag-anak niya. Ang mga pangalang ito rin ang nagiging batayan sa magiging amoy ng mga pabango. Mas woody at minty ang mga pabangong ipinangalan sa mga kamag-anak na lalaki, habang floral naman ang amoy ng mga pabangong ipinangalan sa mga babaeng kamag-anak.

Hindi lamang mga pabango ang ginagawa ng mga taga Liliw, Laguna mula sa lambanog. Upang i-level up ang ordinaryong lambanog, ginagawa na rin ito ng iba't ibang flavors ng mga taga-Liliw.

Ginagawa ang flavored lambanog sa parehong paraan ng ordinaryong lambanog. Pinapakuluan ang nakolektang tuba sa tapahan ng hanggang pitong oras para dumaan sa distillation at evaporation process. Palalamigin sa cooling area ang nakuhang lambanog at maaari na itong inuman pagkatapos. Pero para kay Hilario Boronia, isa sa mga gumagawa ng flavored lambanog, dinadagdagan pa nila ito ng iba' ibang flavor tulad ng melon. Bubble gum, at green apple.

Panoorin ang buong video sa baba.

Hindi lang ang mga taga Liliw, Laguna ang gumagawa ng mga hindi inaasahang mga produkto. Nariyan din ang coco-toyo na ginagawa ng pamilya ni Mary Bleselle Herrera Amador.

Sa South Cotabato naman matatagpuan ang mga tipaklong na ginagawang meryenda, habang ang sorbeterong si Cris Soriano sa pamilihang bayan ng Tanuan, Batangas ay nagbebenta ng ice cream na lasang bulalo. Ang pagkain na gawa sa hubok o langgam ay matatagpuan naman sa Zambales, habang ang sinuso ay kinakain sa Bocaue, Bulacan.

Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!



Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.