GMA Logo Keteng Biyahe ni Drew
Photo source: Biyahe ni Drew Facebook page
What's on TV

Biyahe ni Drew: Subukan ang keteng snowbow ng Lake Sebu

By Ron Lim
Published February 1, 2026 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: July 26, 2026
Global bartending champion Felice Capasso shares the secret to a world-class cocktail
Farm to Table: Ihawan festival with Hershey Neri, Sugar Mercado, and Robb Guinto

Article Inside Page


Showbiz News

Keteng Biyahe ni Drew


Simple lamang ang pagluto sa keteng na matatagpuan sa Hikong Alu Falls sa Lake Sebu.

Libo-libo ang mga isla ng Pilipinas, kaya hindi na nakakagulat na napakadami din ng mga lamang dagat at lamang tubig tabang na matatagpuan at makakain sa iba't ibang panig ng bansa.

Isa sa mga lamang tubig tabang na matatagpuan sa Hikong Alu Falls sa Lake Sebu ay ang keteng, isa sa mga clam na inuulam ng mga T'boli. Hindi madaling hanapin ang mga keteng, dahil kailangan itong kapain sa ilalim ng tubig bago pa ito maluto.

Kapag may sapat na kepeng na naipon, ginagamit ito sa putaheng keteng snowbow, o sinabawang clamshell. Bago lutuin, binababad muna ang keteng sa tubig para ilabas nito ang naipong dumi. Pakukuluan ang mga pampalasa tulad ng kamatis, luya, at asin, at idadagdag ang mga nakuhang keteng. Kapag bumuka na ang mga keteng, pwede na itong kainin.

Panoorin ang video sa baba.

Ang keteng ay isa lamang sa mga kakaibang putahe at sangkap na na-engkwentro ng Biyahe ni Drew sa patuloy nitong pagbibiyahe. Naritan rin ang bunog ng Ilocos Sur na mahirap hulihin at niluluto bilang paksiw o kaya ay piniprito sa mga establishment tulad ng Lovina's Restaurant sa Banaoang.

Nariyan rin ang balbacua ng Naga, Cebu na inaabot ng 24 oras bago maluto.

Pwede ring subukan ng mga biyahero ang sinigang na baboy sa manggang hilaw na gumagamit ng hilaw na mangga bilang pampaasim.

Nariyan rin ang mga tipaklong na ginagawang meryenda sa South Cotabato at ang sinuso ng Bocaue, Bulacan.

Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.