
Isa sa pinaka-engrandeng pwedeng ihanda sa isang salo-salo sa Pilipinas ay isang lechon, kaya hindi na nakapagtataka na ang partikular na putaheng ito ay pinaghahandaan at pinag-iipunan.
Pero paano kung makakakuha ka na ng lechon sa halagang PhP13 lamang? Iyan ang natuklasan ng Biyahe ni Drew sa pagbiyahe nila sa Toledo City, Cebu.
Natagpuan ng Biyahe ni Drew ang Bunado's Lechon sa Poblacion, Toledo City, Cebu. Kaya nakakapagbenta ng PhP13 na lechon ang Bunado's ay dahil lechong leeg ng manok ang kanilang itinitinda. Naisipin nila itong gawin upang hindi masayang ang leeg ng manok na kadalasan ay itinatapon lamang.
Ngunit hindi lamang ito ang itinitinda ng Bunado's Lechon. Nariyan rin ang kanilang lecon manok at lechon liempo na nirerekomenda nilang isawsaw sa kanilang homemade sauce.
Ang lechong leeg ng manok ng Bunado's Lechon ay isa lamang sa mga murang putahe na nadiskubre ng Biyahe ni Drew sa iba't ibang panig ng bansa.
Sa Negros Oriental, nasubukan nila ang “ten-five-five” na hinahain sa Dauin Mega Market sa Dauin, Negros Oriental. Nariyan din ang ube roll na may macapuno ng Montalban, Rizal. Sa Kalinga naman ay maaaring tikman ng mga biyahero ang kanilang bersiyon ng palitaw na kanilang tinatawag na inandila.
Panoorin ang buong video sa ibaba.
Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.