
Sa libo-libong mga isla ng bansa, hindi na nakakagulat na merong iba't ibang mga tradisyon at pagkain ang iba't ibang probinsya para gunitain ang Pasko.
Sa pagbisita ng Biyahe ni Drew sa Bataan ay nalaman nila na ang bida sa hapag-kainan nila tuwing Noche Buena ay ang dinuguan na kanilang pinaparis sa suman. Ngunit kakaiba ang dinuguan ng Bataan dahil kung maasim ang nakasanayan ng iba, ang sa kanila ay matamis na maasim. Hindi rin ito kaagad napapanis at ayon sa mga taga-Bataan, ay tumatagal hanggang dalawang buwan. Naiiba rin ang kanilang suman, na mas maalat kung ikukumpara sa suman sa ibang lugar.
Panoorin ang buong episode ng Biyahe ni Drew sa baba, kung saan tiningnan ni Biyahero Drew ang iba pang mga Pamaskong putahe sa iba't ibang parte ng bansa.
Binisita na rin dati ng Biyahe ni Drew ang probinsya ng Cavite upang subukan ang calandras at tamales, na tradisyunal na inihahain sa hapag-kainan ng mga Caviteño tuwing sinasalubong ang Bagong Taon.
Ang calandracas ay isang sopas na kadalasan ay binubuo ng mga sangkap na manok, patatas, sibuyas, carrots, chorizo, at noodles.
Maliban sa calandracas, ang isa pang inihahain ng mga Caviteño tuwing Pasok o Bagong Taon at ang kanilang sariling bersiyon ng tamales. Ang tamales ng Cavite ay gumagamit ng mga sangkap na atsuete, garbanzos, galapong, mani, manok, baboy, rice flour, at itlog. Sinimulan ito ni Benjamin Robinson noong 1900s, at ngayon ay pinagpapatuloy ng kanyang kamag-anak na si Ellen Guevarra-Robinson. Ipinasa ito mula sa lola ng kanyang asawa, hanggang sa kanyang biyenan, bago napunta sa kaniya.
Tulad ng calandracas, inihahain din ang tamales sa Bagong Taon.
Ang suman at dinuguan ng Bataan at calandracas at tamales ng Cavite ay ilan lamang sa mga putaheng nadiskubre ng Biyahe ni Drew sa kanilang paglalakbay sa bansa. Nariyan ang mga tipaklong na gingawang meryenda sa South Cotabato, ang pokpoklo at sugod-sugod ng Laoag, at ang kumanoy ng Angono, Rizal.
Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.