GMA Logo Biyahe ni Drew
What's on TV

'Biyahe ni Drew': Tara, food trip tayo sa Marikina

By Bong Godinez
Published April 15, 2021 7:27 PM PHT
Updated August 13, 2021 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Biyahe ni Drew


Discover Marikina's gastronomical treats with Drew Arellano.

Bagama't sikat ang Marikina bilang “Shoe Capital of the Philippines” ay kilala na rin ito bilang destination place para sa mga mahilig kumain.

Bakit kaya? 'Yan ang aalamin ng paborito nating biyahero na si Drew Arellano sa isa na namang nakakabusog na episode ng Biyahe ni Drew.

Kung miss mo na mag-travel ay saktong-sakto sa 'yo ang isang restaurant na airplane-inspired. Kaya naman kaya ng mga pagkain dito na tanggalin ang travel blues ni Drew?

Photo by: Biyahe ni Drew

Bibisitahin din ni Drew ang isang bagong coffee shop sa Brgy. Inarawan. Magising at ma-refresh kaya si Drew sa iced coffee nila? Samahan pa ng Spanish bread at at perfect meryenda na.

Photo by: Biyahe ni Drew

Dadalawin din ni Drew ang isang al fresco restaurant na mala-outdoor picnic ang setting na puwedeng pang-date o pang-solo flight.

Photo by: Biyahe ni Drew

Pero kung type n'yo ang mala-resorts na vibe ay puwede naman mag-arkila ng bahay na may swimming pool, gamit para sa pagluluto at malawak na space para sa buong pamilya.

Photo by: Biyahe ni Drew

Kaya tara na at samahan sa Marikina ang Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, April 15, 5:45 p.m. sa GTV.