GMA Logo Botbot at balat dish
Photo source: Biyahe ni Drew Facebook page
What's on TV

Biyahe ni Drew: Tikman ang botbot at balat ng Siquijor

By Ron Lim
Published August 21, 2025 9:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Botbot at balat dish


Ang botbot at balat ay pwedeng gamiting sangkap sa iba't ibang putahe.

Dahil ang ating bansa ay isang archipelago, napakaraming lamang dagat na matatagpuan sa ating mga karagatan na maaaring hindi pamilyar sa lahat maliban na lamang sa mga lugar kung saan ito matatagpuan at kinakain.

Isa sa mga lamang dagat na nadiskubre ng Biyahe ni Drew na pwedeng ihain bilang pagkain ay ang mga sea anemone o botbot at sea cucumber o balat na matatagpuan sa Barangay Tongo sa Siquijor. Kadalasan ay ibinibenta ang mga ito bilang sangkap sa kilawin, at sa halagang PhP50 ay may kasama pa itong lato at suka.

Maliban sa kilawin, maaari ring gamitin ang botbot at balat bilang mga sangkap sa adobo at tinola. Mahahalintulad sa isang oyster ang texture na ito kapag ginamit sa tinola, habang maihahalintulad naman ang lasa ng botbot sa taba ng talangka kapag ginamit ito sa adobo.

Panoorin ang video sa baba.

Ang botbot at balat ay ilan lamang sa mga kakaibang putahe at sangkap na na-engkwentro ng Biyahe ni Drew sa patuloy nitong pagbibiyahe. Naritan rin ang bunog ng Ilocos Sur na mahirap hulihin at niluluto bilang paksiw o kaya ay piniprito sa mga establishment tulad ng Lovina's Restaurant sa Banaoang.

Nariyan rin ang balbacua ng Naga, Cebu na inaabot ng 24 oras bago maluto.

Pwede ring subukan ng mga biyahero ang sinigang na baboy sa manggang hilaw na gumagamit ng hilaw na mangga bilang pampaasim.

Nariyan rin ang mga tipaklong na ginagawang meryenda sa South Cotabato at ang sinuso ng Bocaue, Bulacan.

Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!



Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.