GMA Logo Lechon
Photo source: Biyahe ni Drew Facebook page
What's on TV

Biyahe ni Drew: Tikman ang iba't ibang lechon ng Pampanga

By Ron Lim
Published September 25, 2025 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Figure skating: Sakamoto closes glittering career with fourth world title
Motorist evades payment for gas in Bacolod
Ngipin ng isang babae, ipinaayos sa ilalim ng 'Ngiting Kapuso' program ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Lechon


Naisip ni Chef Calude Tayag ang iba't ibang putaheng ito na gumagamit ng lechon dahil sa hamon ng kanyang asawa.

Hindi na bago sa panlasang Pinoy ang lechon, pero para sa mga naghahanap ng mga kakaibang twist sa pamilyar na putaheng ito, kailangan lamang nilang bumiyahe patungong Pampanga upang makatikim ng mga kakaibang combo.

Bumisita ang Biyahe ni Drew sa Pampanga at nakausap ang tanyag na chef na si Claude Tayag, ang may-ari ng restaurant na Bale Dutung. Ilan lamang sa mga kakaibang combo na pinatikim ng tanyag na chef ay ang lechon with pickled cherry tomatoes, lechon with atcharang papaya, lechon with ampalaya salad, at lechon tortilla. Nariyan rin ang lechon sinigang na ginagamit ang panga ng lechon, at ang inasal na lechon ribs na pinapares sa talangka rice.

Ayon kay Chef Claude Tayag, ang mga iba't ibang combo na ito ay nagmula sa hamon ng kanyang asawa na gumawa ng iba pang putahe na pag gagamitan ng tirang lechon mula sa mga handaan.

Panoorin ang buong episode sa baba.

Ang mga iba't ibang combo na ito ng lechon ay ilan lamang sa mga masasarap na putahe na maaaring subukan sa iba't ibang panig ng bansa. Nariyan ang ja at pinyaram ng Palawan, ang botbot at balat ng Siquijor, ang bunog ng Ilocos Sur, ang sinigang na baboy sa manggang hilaw, at ang sinuso ng Bocaue, Bulacan.

Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!



Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.