GMA Logo biyahe ni drew
What's on TV

Biyahe ni Drew: Water lilies sa Laguna de Bay, ginagawang iba't ibang produkto

By Ron Lim
Published August 2, 2024 6:41 PM PHT
Updated August 3, 2024 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

biyahe ni drew


Isang organisasyon ang nakaisip ng paraan para pagkakakitaan ang mga water lily.

Para sa mga mangingisda, hindi magandang makakita ng napakaraming water lily dahil itinuturing ito na peste sa mga palaisdaan.

Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para sa mga residente na hanapan ng ibang gamit ang mga water lily ng Laguna de Bay. Sumama ang Biyahe ni Drew sa pagkuha ng mga ito at kung paano ito binabago at ginagawang ibang produkto ng komunidad.

Ang Santa Rosa Livelihood Organization, na pinamumunuan ngayon ni Belen Acuña, ang natatanging organisasyon sa Santa Rosa, Laguna, na gumagawa ng mga produkto mula sa water lily. Ayon kay Belen, ito ay dahil ang organisasyon lamang nila ang “nagtiyaga” sa mga ito.

“Kami lang po ang gumagawa ng water lily dito po sa Santa Rosa dahil kami lang po talaga 'yung nag-tiyaga,” paliwanag ni Belen. “Kasi ang paggawa po ng water lily ay tiyagaan mula sa pagkuha hanggang paggawa.”

Ilan lamang sa mga produktong gawa sa water lily na kanila naming ibinebenta ay mga wallet, alkansya, at iba't ibang lalagyan. Maliban sa pagbawas sa mga water lily sa palaisdaan, nakakatulong rin ito sa pagbabawas ng paggamit ng plastic.

Ayon kay Belen, kahit nagsimula itong libangan lamang, isa na itong matagumpay na pagkakakitaan.

“Ang gusto lang namin ay maglibang,” paliwanag ni Belen. “Habang tumatagal, naging hanapbuhay na nga siya. Habang tumatagal, nakilala kami dahil sa water lily.”

Panoorin ang video sa baba.

Hindi lamang Santa Rosa Laguna ang gumagamit ng halaman upang gumawa ng iba't ibang produkto. Sa lungsod ng Marikina, ang designer na si Zedric Zaragoza ay gumagamit ng hibla ng abaka upang gumawa ng mga sapatos na sinusuot ngayon ng iba't ibang mga celebrity at maging mga taga-ibang bansa.

Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.