
Si Bjorn Morta ay ang nagwagi bilang Tanghalan ng Kampeon 2025 grand champion sa TiktoClock!
Si Bjorn ay ang pinakabata sa mga kampeon na nagharap sa Huling Bangaan ng Tanghalan ng Kampeon 2025. Ginanap ang Huling Bangaan ngayong December 4 sa TiktoClock.
Nakalaban ni Bjorn ang mga grand finalists na sina Baron Angeles, Julius Cawaling, Kimberly Baluzo, Shane Luzentales, at Nicole Shigematsu.
Sa huli, ang napiling ng pinakamahusay at may pang grand champion na performance ng mga inampalan na sina Renz Verano, Daryl Ong, at Jessica Villarubin ay si Bjorn.
Saad ni Bjorn sa interview ng GMANetwork.com, "Nagulat po ako."
"I just feel happy. I feel all of us deserve to win naman. Noong naging grand champion ako, I felt happy."
Nagbigay naman ng mensahe si Bjorn sa kaniyang mga supporters. Ani Bjorn, "I hope you keep on watching me and supporting me. Someday, soon na pala, ire-release ko na ang mga kanta ko."
Congratulations, Bjorn!
SAMANTALA, NARITO ANG MGA GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON 2025