
Patuloy na nagiging hit ang BL o Boys' Love series sa bansa at isa na riyan ang web BL series na Boys' Lockdown na pinagbibidahan ng YouTuber na si Ali King at ng model-dancer na si Alec Kevin.
Ngayon ay maaari na rin itong mapanood sa TV screens via Heart of Asia channel na mapanonood tuwing Linggo, simula ngayong April 11.
Ang Boys' Lockdown ay tungkol sa pag-iibigan nina Key (Ali) at Chen (King) na nabuo sa gitna ng pandemya.
Source: rafiecake (Instagram); aleckevin_ (Instagram)
Ngayong araw, April 7, ay nakapanayam ng Unang Hirit ang Boys' Lockdown stars kung saan ibinahagi nila ang ilan sa naging reaksyon nila bago tanggapin o gawin ang project.
“I'm just happy that I get to tell a story sa point of view ng isang LGBT character,” lahad ni Ali.
Nagkaramdam naman daw umano ng agam-agam si Alec dahil sensitibo ang istorya ng serye.
“Nagkaroon ako ng hesitation kasi medyo sensitive 'yung topic back then but what drive me the most was I get inspired with everything that's happening. Parang during the pandemic I think it's high time that we spread love for most,” aniya.
Pero hindi lamang pala sa Pilipinas patok ang Boys' Lockdown dahil pati ang tambalan nilang KeyChen ay iniidolo na rin sa ibang bansa.
“Never ko akalain na makakausap namin 'yung mga taga Indonesia, India, Japan, Brazil, and very vocal lang sila about telling us na sobrang nakaka-good vibes 'yung palabas n'yo,” kwento ni Ali.
Source: rafiecake (Instagram); aleckevin_ (Instagram)
Bukod kina Ali at Alec, tampok din sa web series sina Kapuso actress Crystal Paras, Carlo Tingcungco, Ivoy Colo, Teetin Villanueva at Luis Padilla.
Mapanonood na ang Boys' Lockdown tuwing Linggo, simula April 11, 11 p.m. to 12 a,m. sa Heart of Asia channel.
Heart of Asia is also available in GMA Affordabox and GMA Now.