
Sabayan ang pagtuklas ng isang dalagita sa kahalagahan ng pagmamahal at pagtanggap sa sarili sa pelikulang Black Lipstick.
Isa ito sa mga pelikulang mapapanood ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Ang Black Lipstick ay reimagining ng hit 1986 film na Blusang Itim at updated ito para sa mga millennials ngayon.
Tampok dito si Kapuso actress Kyline Alcantara bilang Ikay, isang teenager na may kundisyong vitiligo kung saan tila patsi-patsi ang kulay ng kanyang balat.
Dahil sa kundisyong ito, nakararanas si Ikay ng bullying sa kanilang eskuwelahan at maging sa social media accounts niya.
Makakahanap siya ng isang mahiwagang itim na lipstick na may kapangyarihang magbigay sa kanya ng flawless na balat.
Bubuo si Ikay ng panibagong persona, ang social media influencer na si Jessie. Pero gaano katagal niya kayang pangatawanan ang double life na ito?
Makakasama ni Kyline sa pelikula sina Migo Adecer, Manolo Pedrosa, at Snooky Serna na bahagi ng orihinal na pelikulang Blusang Itim.
Huwag palampasin ang Black Lipstick, July 9, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Tunghayan din ang inspiring film na Child Haus na hango sa isang halfway house para sa mga batang may sakit na cancer na itinayo ni beauty guru Ricky Reyes.
Bumida sa pelikula ang mga child actors na sina Miggs Cuaderno, Therese Malvar, Vince Magbanua, Felixia Dizon, Erica Yu at Mona Louise Rey, habang gumanap naman bilang mga magulang nila sina Leni Santos, Katrina Halili, Christopher Roxas at Ina Feleo.

Abangan ang Child Haus, directed by Louie Ignacio, sa July 7, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.