
Simula ngayong December 15, maaari nang i-stream ang official soundtrack ng full action series na Black Rider.
Kabilang dito ang theme song ng serye na "Mahal Pa Rin Kita," ang classic OPM song na isunulat ni Vehnee Saturno.
Ni-rearrange ito ni Simon L. Tan at sina Andrea Rae N. Culla at Harry A. Bernardino ang nag-mix nito. Si Rocky S. Gacho naman ang nagsilbing producer ng awit.
Si Limuel Llanes naman ang nag-perform nito para sa Black Rider.
Bahagi rin ng soundtrack ang "Kanina ang Kinabukasan" na inawit ni Kapuso actor Kelvin Miranda.
Kumposisyon ito ni Roxanne E. Faban at si Bryan P. Gajardo naman ang nag-mix nito. Si Rocky S. Gacho ang nagsilbing producer ng awit.
Bukod sa dalawang awit na ito, may dalawa ring backing tracks na kasama sa soundtrack.
Maaring i-presave ang link ng official soundtrack ng Black Rider dito:
Ang official soundtrack ng Black Rider mula sa GMA Playlist.