
Masayang masaya si Kapuso actor Jon Lucas dahil sa pagkilalang natanggap niya mula sa 5th VP Choice Awards.
Hinirang si Jon dito bilang TV Supporting Actor of the Year para sa kanyang pagganap bilang kontrabidang si Calvin sa full action series na Black Rider.
Lubos ang pasasalamat si Jon sa pagkilalang ito kaya nag-iwan siya ng isang mahabang mensahe sa kanyang Instagram account kalakip ng litrato niya kasama ang natanggap na trophy.
"VP Choice Awards TV SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR (BLACK RIDER)
"SALAMAT PO SA PAGMAMAHAL AT SUPORTA NIYO MGA KAIBIGAN AT MGA KAPATID KO! Sa mga Kapuso na tumutok sa Black Rider mula Nov 6, 2023! Sa mga komento niyong nagbibigay kumpyansa sa aming lahat. Salamat po sa mga Boss namin sa @gmapublicaffairs na nagtiwala po sa akin para gampanan si Calvin Magallanes. Salamat po sa @sparklegmaartistcenter , Sa @gmanetwork , at sa @aguilaartists . Higit sa lahat salamat ng marami sa Panginoong Diyos. Patuloy kong ibabalik ang lahat ng kapurihan sakanya. Natamo po natin ito hindi dahil sa magaling, kundi dahil sakanya nanggaling. I LOVE YOU ALL!" sulat ni Jon.
Patuloy na panoorin si Jon bilang si Calvin sa 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapana-panabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.