
Hindi pinalampas ng Black Rider stars na sina primetime action hero Ruru Madrid at Jon Lucas na ibigay ang kanilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina.
Katuwang ang GMA Kapuso Foundation at morning show ng Unang Hirit, dumayo sina Ruru at Jon sa San Mateo, Rizal para makiisa sa relief operations doon.
Naghatid sila ng almusal at relief packs para sa mga residente sa Brgy. Banaba.
Swerte daw sina Ruru at Jon na hindi gaanong naapektuhan ng ulan at baha ang kanilang mga tahanan.
"Safe naman po. Actually, malapit lang po ang bahay ko po dito, mga 10 minutes away. Taga-marikina po talaga 'ko. 'Yung ilan ko pong mga kamag-anak, sila po talaga 'yung medyo naapektuhan po ng bagyo," kuwento ni Ruru.
"Awa ng Diyos, okay naman po. Binaha po 'yung harapan namin, sobrang lalim talaga. Pero 'yun, hindi naman pinasok. Hanggang gate lang. Pagka lumakas pa 'yung ulan, 100% sure papasukin din 'yung bahay namin," lahad naman ni Jon.
Naipakita na nina Ruru at Jon ang kanilang kabayanihan sa tunay na buhay. Sa mundo naman ng telebisyon, ipapakita rin nila ang angking lakas sa heroic finale ng kanilang full action series na Black Rider.
Huwag palampasin ang huling episode ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Walang magpapaiwan sa heroic finale ng full action series na Black Rider, July 26, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 10:00 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream sa Kapuso Stream.