GMA Logo BlackPink
What's Hot

BLACKPINK, inanunsyo ang kanilang nalalapit na pelikula na ipalalabas sa Agosto

By Dianne Mariano
Published June 21, 2021 5:08 PM PHT
Updated June 21, 2021 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

BlackPink


Malapit nang matunghayan ang isa sa mga pinaka-inaabangang pelikula ng K-pop fans sa bansa.

Inanunsyo ng YG Entertainment noong June 16 na ipapalabas ang BLACKPINK: The Movie sa higit 100 na bansa sa Agosto bilang paggunita sa ika-limang anibersaryo ng BLACKPINK sa industriya.

Ang BLACKPINK: The Movie ay isa sa mga kasama na proyekto sa ilalim ng “4+1 Project” ng K-pop group. Ito rin ay isang gift para sa kanilang mga fan at para rin masaksihan ng publiko ang angking talento ng bawat miyembro.

Simula nang ilahad ng BLACKPINK sa Instagram ang “4+1 Project,” ito ay nakapagtala ng higit sa 2 milyon na likes.

A post shared by BLΛƆKPIИK (@blackpinkofficial)

Ayon sa isang Soompi report, kabilang sa ipapakita ng pelikula ang iba't-ibang pangyayari gaya na lamang ng "The Room of Memory" kung saan ilalahad ang mga pinagsamahan ng apat na miyembro sa loob ng limang taon simula noong kanilang debut.

Isa rin ang "Beauty" kung saan ipapakita ang natatanging personalidad ng bawat miyembro na sina Jennie, Lisa, Rose, at Jisoo. Ilalahad din ang “Unreleased Special Interview” para sa mga BLINKs o ang fans ng BLACKPINK.

Kabilang sa pelikula ang paglabas ng limang kanta na galing sa concerts ng K-pop girl group gaya ng “In Your Area” at “The Show.” Sa pamamagitan ng concerts na ito ay mararamdaman ng mga fans ang “live experience” mula sa kanilang mga computer screen o telebisyon.

Naging trending topic din ang bagong pelikula na ito sa Twitter na mayroong halos 218,000 likes at 64,000 retweets nang ito ay ianunsyo.

Noong 2020, ang dokumentaryo na pinamagatang BLACKPINK: Light Up The Sky ay ipinalabas sa Netflix kung saan ipinakita ang istorya ng K-pop girl group at kung paano sila naging matagumpay sa industriya.

Binubuo ang grupo ng apat na miyembro na sina sina Jisoo, Jennie, Rosé, at Lisa. Nagsimula ang kanilang opisyal debut noong August 8, 2016 at inilabas ang kanilang unang single album na Square One.

Simula noon ay lumaki na ang kanilang fanbase o ang tinatawag na mga BLINKs at tuloy-tuloy ang walang sawang suporta ng mga ito sa K-pop group.

Maliban dito, iba't-ibang tagumpay na rin ang nakamit ng BLACKPINK sa loob ng halos limang taon sa industriya. Isa na rito ang pagkakaroon ng higit sa 1 bilyon na views sa kanilang opisyal na music videos gaya ng “Boombayah” (2016), “Kill This Love” (2019), “DDU-DU-DDU-DU” (2018) at “As If It's Your Last” (2017).

Nakasali na rin sa Guinness World Records ang Korean idol girl group dahil sa kanilang music video na “How You Like That” na nagtala ng 86.3 milyon views sa YouTube sa loob ng 24 oras.

Samantala, balikan ang pagbisita ng grupo sa Pilipinas noong 2019 para sa isang special event: