
Dalawang Guinness World Records ang nakuha ng “LALISA” na solo debut song ng BLACKPINK member na si Lisa Manoban.
Ayon sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas sa "24 Oras Weekend" nitong Sabado, October 9, nakakuha ng 73.6 million views ang music video ng “LALISA” sa loob lamang ng 24 oras matapos itong ilabas sa YouTube.
Dahil sa talang ito, nakuha ng nasabing awitin ang titulong Most Viewed YouTube Music Video ng isang solo artist sa loob ng isang araw o 24 oras. Pinalitan nito ang music video ng awitin ni Taylor Swift na “Me!” na may hawak ng record title mula 2019.
Ang “LALISA” na rin ang may hawak ng titulong Most Viewed YouTube Video ng isang solo K-Pop artist sa loob ng 24 oras, na dating hawak ng co-member ni Lisa sa BLACKPINK na si Rosé para sa kaniyang solo debut na “On the Ground”.
Panoorin ang music video ng LALISA, dito:
Samantala, mas kilalanin pa ang Korean girl group na BLACKPINK sa gallery na ito: