
Si Alienette Coldfire, kilala din bilang si Katchry Jewel Golbin, ay ang bulag na Pilipina na pinahanga ang mga Pranses sa kanyang taglay na talento sa pag-awit.
Isa na namang Pinay ang nagbigay karangalan sa bansa kamakailan matapos nitong masungkit and 3rd place sa singing competition na France Got Talent.
Si Alienette Coldfire, kilala rin bilang si Katchry Jewel Golbin, ay ang bulag na Pilipina na pinahanga ang mga Pranses sa kanyang taglay na talento sa pag-awit.
Ang 25 anyos na dalaga ay dati nang sumabok sa mga singing contest sa bansa. Siya ay tubong Capiz na nangarap na makarating ng France.
"Making it to a French talent show's grand finale is beyond my wildest dreams," ani Alienette sa kanyang Facebook account.
Abot-abot din ang pasasalamat ng dalaga sa mga sumuporta at naniwala sa kanyang talento.
"A million thanks to God for the talent and the spirit he endowed me, to my family who made me the artist and the person that I am, to my supporters all over France and back home for encouraging me and for helping me out all the way."