What's on TV

Blood moon episode ng 'Maria Clara at Ibarra,' sabay sa tunay na blood moon at eclipse ngayong November 8

By Marah Ruiz
Published November 8, 2022 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, isolated rains to prevail over parts of PH on Wednesday
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

MCIBloodMoon


May total lunar eclipse at blood moon ngayong November 8 na sabay sa pag-aabang ni Klay ng lagusan pabalik sa kanyang mundo sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Isang kamangha-manghang coincidence na naman mula sa fictional at tunay na mundo ang matutunghayan sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Ngayong gabi, November 8, nakatakdang magkaroon ng total lunar eclipse o ang paghahanay ng sun, Earth, at moon--kung saan ang buwan ay nasa pinakamadilim na bahagi ng shadow ng Earth o umbra. Habang nasa umbra ang buwan, nagkakaroon ito ng mapulang kulay na kung tawagin ay "blood moon."

Ngayong gabi rin lalabas ang buong blood moon na hinihintay ni Klay sa Maria Clara at Ibarra. Ito ang magsisilbing lagusan niya pabalik sa kanyang mundo.

Magagawa nga ba ni Klay na iwan ang mundo ng Noli Me Tangere?

Blood moon on Maria Clara at Ibarra

Matatandaang hindi ito ang unang kamanghamanghang coincidence sa Maria Clara at Ibarra.

Sumakto din sa petsa sa nobela ang airing ng simula ng breakdown ni Sisa na pumatak noong araw ng Todos los Santos o November 1.

Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Mapanood naman ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.