
Hindi na makapaghintay ang pregnant celebrity na si Dani Barretto sa pagdating ng first baby nila ng non-showbiz husband niyang si Xavi Panlilio.
Sa recent Instagram post ng anak nina Kier Legaspi at Marjorie Barretto, proud niyang ipinakita ang kanyang baby bump.
Makikita naman sa comment section ng Instagram post ni Dani, sinabi ng half sister niyang si Julia Barretto na naiyak siya nang makita ang larawan ng kapatid.
Excited na din ang mga kaibigan at followers ni Dani Barretto sa bago niyang journery bilang isang nanay.