What's Hot

Bobby Andrews and Angelu de Leon, nagbalik-tanaw sa kanilang TGIS days

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 20, 2020 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Labis ang kasiyahan nina Bobby Andrews at Angelu de Leon sa kanilang pagbabalik tambalan para sa youth-oriented show na Teen Gen. Kung dati ay sila ang inaabangang mag-loveteam na Peachy and Wacks, ngayon ay magiging magulang na sila ng teenagers na bida ng show. Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com during Teen Gen's first taping day last November 25, sinariwa nina Bobby at Angelu ang kanilang mga hindi makakalimutang sandali sa set ng TGIS, ang naging relasyon nila outside of showbiz, at kung papaano nakatulong ang show sa kanilang mga career.


Labis ang kasiyahan nina Bobby Andrews at Angelu de Leon sa kanilang pagbabalik tambalan para sa youth-oriented show na Teen Gen. Kung dati ay sila ang inaabangang mag-loveteam na Peachy and Wacks, ngayon ay magiging magulang na sila ng teenagers na bida ng show. Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com during Teen Gen's first taping day last November 25, sinariwa nina Bobby at Angelu ang kanilang mga hindi makakalimutang sandali sa set ng TGIS, ang naging relasyon nila outside of showbiz, at kung papaano nakatulong ang show sa kanilang mga career.
 
"Marami akong hindi makalimutan sa TGIS. Too many to mention na nga yata 'yan kung sa slumbook. Maraming tinuro ang TGIS sa akin personally and mga eksena na minsan hindi naman sinasadyang ganun [ang lalabas]. Pero most of all 'yung mga behind the scenes namin na, dahil everybody was starting, pati sina Direk Mark, marami kaming bloopers off-cam," masayang pagkuwento ni Angelu. 
 
Dagdag pa niya, "We also enjoyed traveling together dahil kahit saang sulok ng mundo yata narating talaga namin. Talagang umikot 'yung buong TGIS, yung buong cast and crew. Ngayon binabalikan pa rin namin 'yung mga memorable stories, parang kanina may ginawang scene na magpi-pillow fight kami which is sobrang tatak na tatak 'yun sa TGIS."
 
Si Bobby naman, itinuturing ang TGIS the Movie bilang isa sa mga most memorable experiences niya. "There's so many memorable experiences before during our batch of TGIS, and one of the most unforgettable moments was when we did TGIS the Movie, because we were all literally stuck for one month on an island, all of us. The island had no electricity, walang CR, and it was really a deserted island, so we all got to know each other really well during those shooting days."
 
Matagal na ring hindi nagsama sa isang proyekto sina Angelu at Bobby, kaya ganun na lang ang excitement nila for Teen Gen. "I’m very excited to be working with her again. The last time we worked [together] was years ago na rin. At the same time, the thing between me and Angelu is that every time we work together, it’s like there has been no gap between our seeing each other. We already know each other so well, we work together so well na parang it's just like riding a bike, once we are together we already work through," shares Bobby.
 
Sumang-ayon naman dito si Angelu. "Kami ni Bob, every time we see each other parang kahapon lang kami nagkasama. We've always had that nice bonding na sabi nga namin, talagang soulmates kami. We're really comfortable with each other so hindi kami naiilang. Nung nagkita kami ulit, 'yung mga pinagkukuwentuhan namin in a more mature scenario na - his family, my family. Maganda rin kasi parang nakita namin talaga in each other 'yung different from 17 years ago to the now."
 
Very thankful din ang dalawa sa naging contribution ng TGIS sa kani-kanilang mga career, lalo na't naging isa sila sa mga pinakasikat na loveteam noong mga panahong iyon. "Truth be told, siguro Joaquin is the most memorable character that I’ve ever played, both for myself and for the viewers, and all the fans out there. Nakilala ako bilang si Joaquin Torres III and now makikilala niyo ulit, makikita niyo na kung anong nangyari kay Joaquin Torres III," says Bobby.
 
Angelu also had this to say. "I would be able to say na when I was in TGIS, that was really at the peak of my career. And TGIS gave me that, with the help of Direk Mark and all the cast, si Bob rin nakatulong sa akin. I'm really, really grateful and thankful pagdating sa TGIS."
 
Abangan sina Bobby Andrews at Angelu de Leon bilang Wacks and Peachy sa Teen Gen, ngayong December 16 na, after Party Pilipinas. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com