What's Hot

Bobby Andrews at Angelu de Leon, aksidente ang pagiging love team tulad ng #AlDub

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Authorities, protesters face off in Manila Labor Day demonstration
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit naka-relate ang 'Buena Familia' stars sa AlDub?
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Bumista ang Buena Familia stars na sina Bobby Andrews at Angelu de Leon sa The Ryzza Mae Show at doon nila inamin na fans din sila ng tambalang AlDub.

LOOK: May forever sa #AlDub!
 
Kuwento ni Angelu, nakaka-relate sila sa nangyari sa love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.  
 
"Ang nakakatawa sa love team namin [ni Bobby], accidentally in love 'yung dating kasi hindi naman talaga kami 'yung dapat ipa-partner sa isa't isa. Kaya parang 'pag nakikita namin si AlDub, parang ganoon 'di ba, accidentally in love sila," pahayag ni Angelu.
 
Dagdag pa niya, "Hindi naman sinasadya pero sa tamang pagkakataon, nagkaroon sila ng chance na mahalin 'yung isa't isa."
 
Ibinahagi rin ni Angelu ang experience niya sa panonood ng kasal nina Frankie at Yaya Dub sa Eat Bulaga noong nakaraang Sabado. Aniya, "Happy ako noong Saturday. Birthday ko noon tapos pinapanood ko sila. Buti na lang [ay] hindi natuloy 'yung kasal kaya masaya 'yung birthday ko."
 
WATCH: Ang kasal nina Frankie at Yaya Dub
 
"Kasi isa ako sa mga magpoprotesta. Mabait naman siya [Lola Nidora], buti na lang [ay] bumawi siya noong kasal," pagtatapos niya.