GMA Logo unica hija stars
What's on TV

Boboy Garrovillo sings APO classic with 'Unica Hija' co-stars

By Jansen Ramos
Published November 7, 2022 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

unica hija stars


Naki-jam ang 'Unica Hija' stars na sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Athena Madrid sa kanilang co-star na si APO Hiking Society member Boboy Garovillo.

Naging tradisyon na ng singer-actor na si Boboy Garrovillo na magdala ng gitara sa tuwing papasok siya sa taping gaya na lang sa bago niyang show na Unica Hija.

Sa video na ipinost ng GMA Network sa TikTok, mapapanood ang jamming ni Boboy kasama ang kanyang co-stars na sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Athena Madrid.

Dito ay inawit nila ang classic song na "When I Met You" ng grupo ni Boboy na APO Hiking Society habang siya ay tumutugtog ng gitara.

Panoorin ang jamming nila sa video na ito na may mahigit 249,700 views na sa TikTok:

@gmanetwork #UnicaHija's cast sings 'When I Met You' of #ApoHikingSociety. Awww.. ❤️ #ExclusivelyOnTikTok #BehindTheCurtains ♬ original sound - GMA Network

Samantala, grateful si Boboy na nabigyan siya ng kasunod na proyekto sa TV matapos ang First Yaya at sequel nitong First Lady, sa kabila ng pag-lie low sa pagkanta.

Sa media conference ng Unica Hija na ginanap noong October 25, sinabi niyang imposibleng magkaroon ng reunion ang grupo nila nina Jim Paredes at Danny Javier dahil nasa Australia si Jim at hindi maganda ang kondisyon ni Danny, na binawian na ng buhay nito lamang October 31.
Gayunpaman, tumatanggap naman daw minsan sina Boboy at Jim ng private gig invitations.

Mapapanood ang Unica Hija mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestreaming nito ay ipapalabas sa official Facebook page ng GMA Network.

Ang full episodes at episodic highlights naman ng Unica Hija ay available sa GMANetwork.com.

SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG BEHIND THE CAMERA MOMENTS NG UNICA HIJA.