GMA Logo Family Feud
What's on TV

Bogart the Explorer at Kuya Bubbles, may survey bakbakan sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published September 1, 2026 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DILG: Martin Romualdez in QC Jail around midnight
What We Know So Far, Matan-aw na | Balitang Bisdak
Philippine Travel Mart showcases the best of the country

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang Team Paperbug at Team Educreator ngayong September 1 sa 'Family Feud.'

Maghaharap ang dalawang grupo na parehong kilala sa mundo ng social media ngayong Martes sa Family Feud!

Ngayong September 1, mapapanood ang original content creator kasama ang kaniyang mga kaibigan at ang new breed of social media personalities na focused sa educational content.

Pinangungunahan ang Team Paperbug ni Marco Antonio Ho, o mas kilala bilang Bogart the Explorer, isang drummer at surfer mula Davao City. Siya ay sumikat sa Paperbug TV na nag-spoof ng Australian wildlife host Steve Irwin. Imbes na wild animals ang sinusundan niya, ang “urban species” ng Pilipinas ang kanyang tinututukan tulad ng mga snatcher hanggang sa mga jeepney barker!

Kasama rin niya sa laban ang kanyang mga kaibigan na sina Den Dumalaog, isang stunt director mula Cavite; Azul Abang, isang content creator at mukbang advocate; at Haduj Polo, na mahilig naman sa basketball at swimming.

Samantala, makakaharap nila ang Team Educreator, na binubuo ng ilan sa mga kilalang educational vloggers na nagbibigay ng trivia, science facts at iba pang interesting na kaalaman online. Ang lider ng grupo ay si Rjay Bula, o Kuya Bubbles, isang educator mula Mandaue City, Cebu. Kilala siya sa kanyang look at style na kahawig ng TV host na si Kim Atienza, pati na rin sa kanyang animal-related content na sinusubaybayan ng kanyang 2.8 million Facebook followers.

Kasama niya sina Raymor Cuevas, o Kuya RM, isang food technologist at scientist mula Davao. Kabilang sa kanyang mga pagkilala ang Most Development-Oriented Online Series 2025 at TikTok Philippines Top Education Creator of 2022.

Kabilang din si Larcington, isang BS Chemistry graduate ng UP Diliman na mula Manila. Kilala siya sa pag-explore ng mga kakaibang science discoveries at fascinating stories sa iba't ibang panig ng mundo, kabilang na ang Galapagos.

Kumukumpleto sa Team Educreator si Shayne Funcion, isang domestic travel digital storyteller at dating youth minister.

Sino kaya ang mananaig sa Team Paperbug at Team Educreator? Alamin ito sa fresh episode ng Family Feud ngayong September 1, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.