GMA Logo Maria Claudia Talatayod as Ms Earth Philippines 2023
Celebrity Life

Boholana beauty queen, nais maging inspirasyon sa mga nanay na abutin ang mga pangarap

By Gabby Reyes Libarios
Published June 27, 2023 3:39 PM PHT
Updated June 27, 2023 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Claudia Talatayod as Ms Earth Philippines 2023


Para kay Maria Claudia Talatayod, ang current Ms. Earth Philippines, hindi pa huli ang lahat para maabot ang mga pangarap, kahit ano pa man ang iyong edad.

"To all the mothers out there, masasabi ko lang po, hindi pa po huli ang lahat."

'Yan ang naging sagot ni Ms. Earth Philippines 2023 Maria Claudia Talatayod nang tanungin siya kung ano ang kanyang mensahe para sa mga kapwa nanay na nangangarap pang sumali ng beauty pageants.

"Age is just a number, ika nga. Meron pa pala tayong pag-asa na, kung mayroon tayong [na-miss na pageant], ngayon po, kaya pa pala natin na kahit na misis na, may masasalihan pa na mga pageant. It's a dream come true po talaga ito."

Sa nagdaang press conference mg Mrs./Ms. Earth Philippines sa Luxent Hotel sa Quezon City, humarap ang current titleholder sa ilang miyembro ng media at pageant vloggers para ipakilala ang kanilang organization.

Ayon sa mga tao mula sa organization, ang Ms. Earth Philippines (at Mrs. Earth Philippines) ay isang "elite international pageant" na para sa "diverse and poised women" na layong ipromote ang preservation ng kalikasan at i-celebrate ang accomplishments ng mga kababaihan, regardless kung ano ang estado nila sa buhay.

Si Maria Claudia Talatayod ang napiling kandidata para lumaban sa nalalapit na Mrs./Ms. Earth 2023 International competition na gaganapin sa July sa Okada Manila.

Sambit ni Claudia, "We can't deny the fact that Earth is not in good shape. Climate change is real... My advocacy is about changing my actions in ways that my children would feel and see that I am a good role model in protecting our Mother Earth. With this, my children would also do the same."

Sa presscon na rin naganap ang official sashing ni Claudia Talatayod sa pamumuno nina Cristel Bolabon, ang national director ng Mrs. Earth Philippines, at Richard Hinola, ang head ng PR and promotions.

Tubong Bohol si Claudia na sa kasalukuyan ay isang independent mother na may pitong anak. Bukod sa pagiging beauty queen at advocate, isa rin siyang magaling na negosyante.

Dagdag ni Claudia, "Before, I only dreamed of joining Binibining Pilipinas, but it never happened, because I got pregnant in my younger age. Now that I am a single mother of seven, I am excited and grateful that I was chosen to represent not just my hometown but the entire country of the Philippines."

Nang tanungin naman kung handa na ba siyang irepresenta ang Pilipinas sa international stage, confident na sinabi ni Claudia na puspusan na rin ang kanyang training para maging proud ang kanyang kababayan.

"Marami po akong preparation na ginagawa. Nagpapa-training rin po ako sa mga expert. Gagawin ko po talaga ang best ko para sa pageant na ito," nakangiting sagot nito.

Ayon naman kay Karla Supersoft na siyang tagapamahala ng training ni Claudia, nakipag-partner na rin ang kanilang kampo sa ilang Filipino designers para sa mga susuotin sa kumpetisyon ng kanyang pambato.

"We are working on it. We have tied up with Filipino designers, who are going to make her national costume and evening gown.

"She's also working on her pasarela and her Q&A and her personality development, because this is something new to her. She's quite overwhelmed right now, but she'll definitely be ready for the competition."

Ayon sa organizers, ang napipintong Mrs./Ms. Earth 2023 International competition ay dadaluhan ng aabot sa 30 na kandidata mula sa iba't ibang bansa, kasama na ang Singapore, USA, New Zealand, at India, na may kanya-kanyang adbokasiya para sa Mother Earth.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA TAO SA LIKOD NG MGA KILALANG BEAUTY PAGEANTS SA BANSA SA GALLERY NA ITO: