
Makakasama nina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi sa masayang weekend bonding ang Muhlachs at Alarcons!
Sa darating na February 4, mapapanood natin sa Sarap, 'Di Ba? sina Niño and Sandro Muhlach at Jestoni and Angela Alarcon.
Isang family day ang aabangan ngayong Sabado tampok ang fun challenges para sa father and child tandems. Panoorin ang kanilang pagsabak sa dance floor battle, Spring Giling Race, at Unahan sa Ihipan.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
May yummy dish ring ihahanda si Happy Nanay Carmina na perfect for family feast!
Abangan ang lahat ng ito sa Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel.
Huwag na huwag rin palalampasin ang exciting na Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway!