GMA Logo Bong Revilla Jr and Beauty Gonzalez
PHOTO COURTESY: Clare Cabudil
What's on TV

Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez, bibida sa second season ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'

By Dianne Mariano
Published January 4, 2024 6:26 PM PHT
Updated January 6, 2024 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bong Revilla Jr and Beauty Gonzalez


Magtatambal muli sina Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez bilang sina Tolome at Gloria Reynaldo para sa ikalawang season ng action-comedy series na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Tiyak na mapupuno ng saya ang gabi ng mga manonood dahil inihahandog ng GMA Network ang ikalawang season ng well-loved Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ang naturang serye ay pagbibidahan muli nina Senator Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez bilang sina Major Bartolome “Tolome” Reynaldo at Gloria Reynaldo.

Magsisimula ang kuwento na pansamantalang magpapalit ng mundo ang mag-asawang Tolome at Gloria.

Panoorin kung paano makakabalik sa pagka-pulis si Tolome at mababalik sa dati ang mundo nila ni Gloria.

Sa second season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, level up ang action, level up ang katatawanan, at level up din ang kapilyuhan. Kaya naman mas matindi ang sigaw ni Gloria ng “Tolomeeeee!!!”

Kabilang din sa stellar cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 sina Carmi Martin, Jestoni Alarcon, Ejay Falcon, Liezel Lopez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Raphael Landicho, Nikki Co, Angel Leighton, Jeffrey Tam.

May special participation sa serye sina Max Collins, Kelvin Miranda, Herlene Budol, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Celeste Cortesi, Mika Salamanca.

Mayroon ding guest appearance naman dito sina ER Ejercito, Roi Vinzon, Jay Manalo, Ramon Christopher, Antonio Aquitania, Brent Valdez, Mj Ordillano.

Abangan ang ikalawang season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ngayong 2024 GMA.