GMA Logo Bong Revilla Jr, Beauty Gonzalez, Max Collins
What's on TV

Bong Revilla Jr., Beauty Gonzalez, and Max Collins talk about lessons learned from 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'

By Dianne Mariano
Published May 30, 2023 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bong Revilla Jr, Beauty Gonzalez, Max Collins


Ibinahagi nina Bong Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins ang mga aral na matututunan ng viewers sa upcoming action-comedy series 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Simula June 4, mapapanood na ang pinakabagong action-comedy series ng GMA na siguradong mamahalin ng bawat pamilyang Pilipino, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Nitong May 26, nagsama-sama ang star studded cast ng serye para sa media conference sa Quezon City, kung saan nakapanayam nila ang mga miyembro ng press.

Sa interview ng GMANetwork.com sa lead stars ng serye na sina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins, ibinahagi nila ang mga aral na matututunan ng mga manonood sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ayon kina Bong, Beauty, at Max, matututunan ng viewers mula sa kanilang pagbibidahang serye ang kahalagahan at pagmamahal sa pamilya.

“Kailangan 'yung pagmamahal mo sa pamilya. You have to balance everything. Kaya rito, may mga lesson kang mapupulot, 'yun ang ibibigay ng ating magagaling na writer na aabangan ninyo. 'Yan 'yung ipapakita natin.

"Itong project natin, this will make you laugh, makararamdam ka ng pagmamahal, 'yung solid na action, lahat ng hahanapin mo sa isang pelikula nandito sa gagawin natin na project sa telebisyon sa GMA,” sagot ni Bong.

Ibinahagi rin ni Beauty na anuman ang mangyari, ang pamilya pa rin ang mahalaga.

Aniya, “The lesson na matututunan niyo rito is what matters is family. No matter what happens, you protect your family, you fight for your family.”

Para naman kay Max, importante ang pagmamahal ng pamilya at ng mga taong malapit sa buhay ng isang tao dahil sila ang magiging kasangga sa kahit na anumang hamon ng buhay.

Saad niya, “Kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay, you always fight things together, fight things as a team. There's always teamwork there and lagi kang babalik sa core mo, which is obviously your family, your best friends, your co-workers, and the people that you're always with. Surround yourself with good people, who will support you all the way through anything.”

Bukod kina Bong, Beauty, at Max, kabilang din sa cast ng serye sina Sparkle stars Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Raphael Landicho. Mapapanood din dito sina Carmi Martin, Nino Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Nikki Co, at Dennis Marasigan.

Ipinakikilala rito ang Kapuso actress na si Angel Leighton. May special participation naman dito ang kapwa action stars ni Bong na sina ER Ejercito, Bembol Roco, at Jeric Raval.

Abangan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis simula June 4 sa GMA.


SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG PICTORIAL NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.