
Inihahandog ng GMA ngayong taon ang pinakabagong action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
Ang nasabing serye ay television adaptation ng hit film noon ng batikang action star na mayroong parehong titulo.
Ang kuwento ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay tungkol sa isang mahusay at matapang na pulis ng Central Police Command na si Major Bartolome Reynaldo o Tolome (Bong Revilla Jr.).
Siya ay masigasig sa panghuhuli at pagpuksa ng mga kriminal ngunit siya rin ay maawain kung kaya't minsan ay nadadaan siya sa pakiusap. Nanatiling captain lamang si Tolome sa kabila ng pagiging mahusay at matagal na sa serbisyo.
Hindi rin siya popular sa kanyang mga kapwa pulis, lalo na sa mga hindi sumusunod sa patakaran. Gayunpaman, malaki pa rin ang respeto sa kanya ng ibang kapwa pulis dahil sa dami ng kanyang napatumbang kriminal.
Siya ay mabangis, matapang, at walang inuurungan. Ngunit isa lamang ang kinatatakutan ni Tolome, ang kanyang misis na si Gloria (Beauty Gonzalez).
Kabilang sa stellar cast ng serye sina Sparkle stars Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Raphael Landicho.
Makakasama rin sa upcoming action-comedy series sina Carmi Martin, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Nikki Co, at Dennis Marasigan.
Ipinakikilala rito ang Kapuso actress na si Angel Leighton.
May special participation naman dito sina ER Ejercito, Bembol Roco, at Jeric Raval.
Ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay handog ng GMA Entertainment Group sa pamumuno nina Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama Helen Rose Sese, Senior Program Manager Camille Hermoso, at Executive Producer Lenie Santos.
Ang creative team ay pinangungunahan nina Creative Consultant Jojo Nones at Head Writer Reggie Amigo. Kasama rin ang mga manunulat na sina Liberty Trinidad, Jake Somera, at Loi Argel Nova.
Ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay sa ilalim ng direksyon nina Direk Enzo Williams at Associate Director Frasco Mortiz.
Abangan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis soon sa GMA.