Article Inside Page
Showbiz News
Sa pagbabalik ng 'Ang Panday' sa silver screen ngayong December, lalong lang pinatibay na si Sen. Bong Revilla na nga ang tagapagmana ni Fernando Po
Sa pagbabalik ng “Ang Panday” sa silver screen ngayong December, lalong lang pinatibay na si Sen. Bong Revilla na nga ang tagapagmana ni Fernando Poe Jr. Text by Loretta G. Ramirez. Additional text from “Ang Panday” press release. Photos by Connie M. Tungul
Sa ikalawang pagkakataon, Sen. Bong Revilla reprises the legendary role of
Ang Panday who was popularized by no less than Da King, Fernando Poe, Jr. The adventures of the fighting blacksmith who fights evil continues in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) with GMA Films and Imus Productions co-producing the big-budget project.

Da King gave his full blessing to Sen. Bong when he first essayed the role during the ‘90s (
Dugo ng Panday). Ninong din niya si FPJ and he respects him the way he respects his father. "I take my hat off to Da King. I am careful about playing 'Panday' para naman he would be proud of me wherever he may be,” insisted Bong.
"Bago rin mamatay si Ninong Ronnie (FPJ), ito yung parang sabi niya sa akin noong huli naming pagkikita ha. 'That's yours—Panday, that's yours.' Kaya kahit ilang taon na siyang wala, parang there's something missing. Sabi ko, parang I need to do
Panday. Parang may kulang ako na ipinangako sa kanya na dapat ko rin i-fulfill. At ito nga ay ang gawin ang pelikula. Kaya ito, parang tribute to Da King," ang dagdag pa niya.
Ang 2009 version na hango rin sa obra ni Carlo J. Caparas, idinirehe ni Mac Alejandre at isinulat ni RJ Nuevas ay tiyak na kasama na sa darating na MMFF matapos ma-resolve ang issue tungkol sa mga celebrities na tatakbo sa 2010 elections.
Kasama din sa pelikula sila Iza Calzado, Rhian Ramos, Geoff Eigenmann Gladys Guevarra, Buboy Villar, George Estregan Jr., Jonee Gamboa, Paulo Avelino, Stef Prescott, Carlos Morales, Luz Valdez, Carlene Aguilar, John “Sweet” Lapus at ang gumanap na Lizardo, si Philip Salvador.
Catch
Ang Panday simula sa December 25 in theaters nationwide.
Pag-usapan Ang Panday. Mag-log on na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!