
Kuwentong Bayani ang aabangan sa "Lodi Boni" special episode ng AHA! na tamang-tama para sa nalalapit na kaarawan ni Andres Bonifacio.
Kaugnay nito, lima sa kaniyang mga katukayo ang hahamunin sa isang history pop quiz. Gaano kaya nila kakilala ang kapangalan nilang bayani?
Tigil din muna sa kontrabida roles si Jon Lucas dahil ngayon Linggo ay gaganap siya bilang si Andres Bonifacio. Bibigyan niya ang boses ng batang si Bonifacio na mapapadpad sa kasalukuyan. Matanggap kaya niya ang kaniyang kahihinatnan?
Sa parehong episode, hahanapan din ng solusyon ang isang ginang para gamutin ang namamaga at nasugat niyang mata dahil sa masking tape ng kaniyang eyelash extension.
Dahil papalapit na ang araw ng Pasko, patok ngayon na puntahan ang mga malalamig na pasyalan dito sa Pilipinas. Meron ding lugar kung saan umuulan ng snow at meron pang bump car ride na ginagawa sa ibabaw ng yelo. Samahan ang AHA! na sa pagbisita sa mga ito ngayong Linggo, November 26.