GMA Logo Bont Bryan, Skusta Clee, and Donnalyn Bartolome
Photo by: bontbryan (IG); extraordinaryl (IG); Donnalyn (FB)
What's Hot

Bont Bryan, gustong maka-collab sa sina Skusta Clee, Donnalyn Bartolome

By Aimee Anoc
Published November 28, 2025 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Bont Bryan, Skusta Clee, and Donnalyn Bartolome


Inilabas na ni Bont Bryan ang kanyang first single na "Ikaw ang Mundo."

Ilan sa artists na gustong maka-collaborate ng Master Hokage na si Bont Bryan Oropel ay ang rapper, singer-songwriter na si Skusta Clee at actress-singer na si Donnalyn Bartolome.

Sa pagbisita niya sa GMA Playlist Livestream, sinabi ni Bont Bryan na kung mabibigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng ka-collab at makakasama niya sa kantahan, ito ay sina Skusta at Donnalyn. Aniya, sobrang iniidolo niya ang mga ito pagdating sa music.

"Bakit hindi si Mommy Oni (Toni Fowler), joke lang pero seryoso," natatawang sabi ni Bont Bryan. "Bukod do'n, actually 'yung mga sobrang iniidolo ko pagdating sa music, Skusta Clee, angas non, tapos si Donnalyn Bartolome, 'di ba malay mo."

Ngayong Biyernes (November 28), inilabas na ni Bont Bryan ang kanyang first single na "Ikaw ang Mundo" under GMA Playlist, na mapapakinggan na sa iba't ibang digital music platforms.

Ayon kay Bont Bryan, ang "Ikaw ang Mundo" ay para sa mga nagmamahal nang sobra-sobra.

"Alam mo 'yon kapag mahal mo 'yung isang tao, siya 'yung mundo mo. Nakakalimutan mo na 'yung lahat ng bagay basta siya na lang 'yung mundo mo," paliwanag niya tungkol sa kayang love song.

Si Bont Bryan ay isang kilalang travel at lifestyle content creator na mayroong mahigit one million followers sa Facebook at 1.79 million subscribers sa YouTube.

Noong October 2024, kabilang ang chinito vlogger sa mga ipinakilalang talents ng digital arm ng Sparkle na Status by Sparkle. Ngayon, isa na rin siyang recording artist ng GMA Playlist.