GMA Logo Bont Bryan with his mom
Source: bontbryan (IG)
Celebrity Life

Bont Bryan, natupad ang pangarap na Europe trip ng ina

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 12, 2025 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Bont Bryan with his mom


Masayang ibinahagi ni Status By Sparkle content creator Bont Bryan ang pagtupad niya sa pangarap na European travel ng kanyang ina.

Masayang ipinakita ni Status by Sparkle content creator Bont Bryan sa kanyang Instagram post ang mga larawan nila ng kanyang ina sa kanilang Europe trip.

HIndi maitago ang saya niya dahil sa wakas ay natupad niya ang matagal nang pangarap ng ina na makapunta sa Europe.

“I made it. Pangako ko sa kanya na dadalhin ko siya sa Paris, and now it's really happening,” sabi ni Bont sa kanyang caption.

A post shared by Bont Bryan Oropel (@bontbryan)

Ayon pa sa kanya, matapos ang lahat ng kanyang hard work, prayers, at dreams; finally ay narating na nila ang dream destination nila.

Sabi pa ni Bont, ito raw ang first time nila na magpunta roon nang magkasama. “Lagi ako magisa or iba kasama, pero ngayon ito naaaaa.”

First stop ng mag-ina ay ang Vienna sa bansang Austria. Matapos ito ay pupunta naman sila sa Paris, France.

“Grabe, parang panaginip.” sabi ni Bont. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakatungtong na sila sa matagal na nilang gustong puntahan.

Nagpapasalamat si Bont sa Panginoon dahil sa pagtupad sa pangarap nilang mag-ina na makarating nang magkasama sa Europa.

Si Bont ay ilan lamang sa content creators ng Status by Sparkle kasama sina Chef Ylyt, Blakman Family, Cheovy Walter, Alethea Ambrosio, Brandon Espiritu, Doc Yappy, at ang yumaong si Emman Atienza.

Related Gallery: Get To Know The New Content Creators of Status By Sparkle