GMA Logo Boobay and lookalike
What's on TV

Boobay at kanyang look-alike, nag-wrestling sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun
Published June 10, 2020 3:23 PM PHT
Updated June 11, 2020 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NATO should launch operation to boost security in Arctic, Belgian minister says
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay and lookalike


Nakilala nina Eugene Domingo, Jose Manalo, at Brod Pete ang look-alike ni Boobay!

Hindi lang tagisan ng kaalaman ang napanood sa Celebrity Bluff dahil napuno rin ito ng aksyon nang mag-wrestling si Boobay at ang kanyang impostora.

Nitong Sabado, June 6, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nila sa episode para maglaro ng 'Fact or Bluff' sina Kris Bernal, Tessa Prieto-Valdez at Julia Clarete. Kakampi rin ng celebrity players ang kanilang personal assistants.

Kung sa nakaraang episode ay nagpagalingan sa pagrampa sina Boobay at Wilma Doesnt, nakatapat naman ngayon ng komedyante ang kanyang look-alike at impostora.

Ang kanilang komprontasyon, nauwi pa sa wrestling!

Panoorin:

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng #MPK.