
Nagkagulo sa April 24 episode ng Celebrity Bluff nang magkainitan si Boobay at ang Pabebe Girls!
Nitong Sabado, April 24, napanood sina Eugene, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Tatlong pares naman ng viral internet sensations ang dumating para makipag-“Fact or Bluff.” Hindi nagpapigil ang Pabebe Girls, nakipagkulitan sina Roadfill Sparks at Boy Landi, at rumampa naman sa laban sina Maria Sofia Love at Osang.
Dumating si Boobay sa studio na naka-gown bilang si “Pabebe Gandang Hari,” siya raw ang tunay na ina ng Pabebe Girls. Hindi naman nagustuhan ng Pabebe Girls ang kanyang biro at sumabat ang mga ito.
Lalong tumindi ang awayan sa pagitan ng bluffer at guest players sa pagsisimula ng unang round.
Nagpaturo kasi si Eugene kung paano ginagawa ng Pabebe Girls ang kanilang pag-irap. Paglinaw din ng huli, nakasanayan na raw nila ito at hindi sila galit maliban kay Boobay.
Dahil dito, tila namuo ang tensyon sa studio. Nagkasuguran at pumagitna na si Eugene at iba pang bluffers.
Ani Uge, “Sandali lang po. Sandali lang. Bakit naging ganito ang players natin? Hindi pa tayo tapos sa first round!”
Kalauna'y lalo pang nagkahamunan sina Boobay at Pabebe Girls, at talagang walang makapigil sa kanila!
Paghiyaw ng host, “Ang gugulo ng mga players ngayon!”
“Sandali lang. Grabe nasa first square pa lang tayo.”
Panoorin ang April 24 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.