GMA Logo Boobay at Pepita Curtis
PHOTO COURTESY: Michael Paunlagui
What's on TV

Boobay at Pepita Curtis, pinaghandaan ang kanilang GMA Gala 2025 looks

By Dianne Mariano
Published August 1, 2025 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay at Pepita Curtis


Pinaghandaan nina Kapuso comedians Boobay at Pepita Curtis ang kanilang looks para sa highly-anticipated na GMA Gala 2025.

Isang araw na lamang at magaganap na ang highly-anticipated event na GMA Gala 2025.

Maraming Sparkle at Kapuso stars na ang naghahanda para sa kani-kanilang magiging looks sa naturang event. Kabilang na sa mga ito ang Kapuso comedians na sina Boobay at Pepita Curtis.

Sa interview ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ikinuwento ng mga komedyante ang kanilang naging preparasyon para sa GMA Gala 2025.

“Alam mo ba Kuya Nelson, one month ago nag-diet talaga ako,” ani Pepita.

Dagdag naman ni Boobay, “Abangan n'yo po kasi this is my second time. Kung ano 'yung outfit ko last year, 'yun din ang outfit ko this year, charot [laughs].'Parang familiar' gagano'n sila. Hindi, pinaghandaan namin 'yan.”

Kabilang sina Boobay at Pepita Curtis sa upcoming Sparkle World Tour 2025 na gaganapin sa Canada sa August.

Samantala, napapanood si Boobay sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at 11:05 p.m. naman sa GTV.

TINGNAN ANG STYLISH KAPUSO CELEBRITIES SA NAGANAP NA GMA GALA 2025 PARTNERS' NIGHT SA GALLERY NA ITO.