
Nakipag-showdown si Boobay kay Solenn Heussaff hindi lamang sa paseksihan kundi pati na sa pagsalita ng French nang mag-guest ang sexy actress-host sa Celebrity Bluff.
Nitong Sabado, January 2 muling napanood sina Eugene Domingo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff. Habang wala si Jose Manalo ay si Mikael Daez muna ang pumalit sa kanya bilang guest bluffer
Sa buena manong episode ngayong taon, napanood na naki-“Fact or Bluff” ang tatlong celebrities at ang kanilang loyal personal aides. Teammate ni Solenn ang kanyang driver na si Kuya Jopet. Ka-tandem ni Paolo sang kanyang make-up artist na si Ariane. Kapares ni Tim ang kanyang driver na si Kuya Abet.
Natapat kina Solenn at Kuya Jopet ang huling category sa level two ng 'Fact or Bluff.' Swak daw ito dahil ang topic ay “Ang Sexy!” at bagay rin daw ang naiwang bluffer sa kanila na walang iba kundi si Boobay.
Dahil dito, nagpakitang-gilas sa pagrampa sina Boobay at Solenn. Matapos nito ay nag-usap din sila sa salitang French.
Pagbati ni Eugene kay Boobay, “Wow! For the first time, hindi nakasagot [si Solenn].”
Napahanga rin si Mikael sa komediyante at sinabing, “Natalo mo.”
Talaga bang naubusan ng French si Solenn kay Boobay? Panoorin ang January 2 episode sa itaas.