GMA Logo Boobay and Tekla
PHOTO COURTESY: GMA Public Affairs (YouTube)
What's Hot

Boobay at Tekla, hindi nawawala ang excitement sa isa't isa

By Dianne Mariano
Published February 24, 2026 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ashley Sarmiento, Rave Victoria explore South Korea
Fire displaces 48 families in CDO on Good Friday
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay and Tekla


Maghahatid ng kulitan at tawanan ang Kapuso comedians na sina Boobay at Tekla sa nalalapit na 'TBATS On The Go!'

Malapit nang maghatid ng saya at tawanan ang comedy duo nina Boobay at Tekla sa TBATS On The Go!

Bumisita ang seasoned comedians sa Kapuso morning show na Unang Hirit nitong Lunes, February 23, kung saan nagkuwento sila tungkol sa kanilang programa at pagkakaibigan sa loob ng halos walong taon.

Ayon kay Boobay, kakaibang paghahatid ng saya ang kanilang hatid sa TBATS On The Go!

"Lahat maninibago pero maninibago sa saya, 'di ba? Kasi, hindi na kami basta sa studio kundi lalabas na kami. Kami mismo ang pupunta sa mga Kapuso natin para maghatid ng saya. At hindi lang kami, sila rin magbibigay sa amin ng saya, balikan," aniya.

Matapos ito, tinanong ni Suzi Abrera ang hosts kung ano ang nararamdaman nila sa kanilang pagkakaibigan sa loob ng halos walong taon. Ibinahagi ni Boobay na hindi nawawala ang excitement nila ni Tekla sa isa't isa.

"Sa loob-loob namin, palaging hindi nawawala 'yung excitement. Noong nasa studio pa kami, kada taping namin parang it's a new day always, parang gano'n, hindi siya luma.

"Kaya as much as possible, hindi kami lumalabas pagkatapos ng taping, ganyan. Wala 'yung magmi-meet kayo para ma-miss namin ang isa't isa. Parang 'yun 'yung ano namin, para panibago palagi," kuwento ni Boobay.

Bukod dito, sumalang sina Boobay at Tekla sa nakatutuwang challenges na "Isang Tawa Ka Lang" at "Dear Boobay and Tekla."

Panoorin ang interview nina Boobay at Tekla sa Unang Hirit sa video na ito.

Abangan ang TBATS On The Go! simula March 1, 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Related gallery: Boobay and Tekla, very grateful for the continued support they are getting