
Maghahatid na ng kulitan at tawanan ang comedy duo na sina Boobay at Tekla sa TBATS On The Go! simula March 1.
Sa naganap na media conference ng naturang programa kamakailan, ibinahagi ng Kapuso comedians na level up ang saya at excitement sa TBATS On The Go!
"Mas maganda na i-level up natin 'to sa labas. Kumbaga, hindi lang sa loob, labas naman. Para maiba naman, mas marami kaming madi-discover kapag sa labas. Mas unlimited 'yung mga ideas.
"This time, maraming flavor itong TBATS On The Go," pagbabahagi ni Tekla.
Dagdag pa ni Boobay, "At saka 'yung excitement ba na tatanungin ng mga ka-TBATS natin, 'Ay saan kaya next na pupunta 'tong dalawang ito'."
Bukod dito, exciting din ang special guests na kanilang mga makakasama sa paghahatid ng saya.
"Meron pa kaming special guests na sasama sa amin. 'Yun din 'yung isang maganda doon kasi walang kaarte-arte yung mga inimbitahan namin na samahan tayo outside," ani Boobay.
Labis din ang pasasalamat ng comedy duo sa patuloy na suporta ng mga manonood sa kanilang programa.
"Super grateful kasi until now, 'di ba, talaga namang kahit saan kami mapunta, kahit anong gawin namin, kahit anong segments, kahit anong mga bagong ginagawa natin, tuloy-tuloy ang suporta nila," ani Boobay.
Dagdag ni Tekla, "At saka 'yung walong taon, hindi biro 'yon, na gano'n ka hinold ng viewers. Sa walong taon, pambihira 'yon. Wala ka ng mahihiling, sobrang thankful.”
Related content: Boobay at Tekla, thankful sa suporta ng viewers