What's on TV

Boobay at Tekla, nagkapikunan sa set ng 'TBATS'

By Cherry Sun
Published September 17, 2020 1:12 PM PHT
Updated September 17, 2020 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay at Tekla nag aaway


Nagpalitan ng maaanghang na salita sina Boobay at Tekla sa behind-the-scene video na kuha sa pagbabalik-taping ng 'The Boobay and Tekla Show.'

Kababalik-taping lang nina Boobay at Tekla para sa fresh episodes ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) pero tila hindi naging maayos ang naging reunion ng tinaguriang fun-tastic duo.

Boobay at Tekla nag aaway

Nakabalik na sa studio sina Boobay at Tekla nitong Setyembre upang gumawa ng bagong episodes para sa Kapuso comedy variety show. Pansing naging maingat ang hosts at ang buong programa sa kanilang pagbabalik-trabaho sa new normal. Ngunit ang hindi nila inasahan ay nang magkapikunan ang dalawa habang nagte-taping para sa kanilang episode na mapapanood ngayong Linggo, September 20.

Ang naging away nina Boobay at Tekla napanood sa isang behind-the-scene video na naka-upload sa Facebook page ng kanilang programa.

Hindi malinaw ang pinag-ugatan ng kanilang alitan ngunit nagkasagutan ang dalawang hosts sa kalagitnaan ng taping para sa segment na 'Tape Mo, Mukha Mo.'

Maririnig sa video na pinapatigil na sila ng kanilang direktor at ng ibang staff ng TBATS. Pumagitna rin ang isang security personnel upang hindi magkadikit sina Boobay at Tekla habang tumataas ang tensyon.

Wika ni Tekla, “Marami akong problema, Boobay, 'wag ka nang dumagdag ah. Ang dami kong pinagdadaanan, Boobay. Ang dami kong problema. Wala akong pakialam.”

Hindi naman nagpaawat si Boobay at dinepensahan ang kanyang naging kilos.

Sa ngayon ay wala pa ring paliwanag o pahayag mula sa management ng programa kung ano ang tunay na nangyari.

Panoorin ang kabuuan ng video sa itaas.