
Samu't saring emosyon ang napanood sa July 19 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) dahil nakipagsabayan pa ang fun-tastic duo kay Maine Mendoza sa aktingan.
Si Maine ang special guest sa segment na 'Roleta ng Kadramahan.' Ang challenge, kailangan niyang bigkasin ang mga sikat na kanta at linya habang siya ay nagmakakaawa, kumakanta, at nawawala sa sarili.
Muli rin nakasama nina Boobay at Tekla si Maine sa pagbabasa ng mga kapalaran sa 'TBATS Horoscope.'
Umapaw din ang emosyon sa 'Pranking in Tandem' segment dahil sa panggu-good time ni Ethel Booba. Ano kaya ang magiging reaksyon ng dalawang aspiring comedians kung matikman nila ang kamalditahan ng komedyante?
Kung napasabak sa stand-up comedy at improv ang tatlong aspiring comedians, napasalang din sa on-the-spot acting ang StarStruck Final Four na sina Kim de Leon, Shayne Sava, Allen Ansay, at Lexi Gonzales.
on-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!