GMA Logo Boobay and Tekla with Dennis Trillo
What's on TV

Boobay at Tekla, naloka sa sagot ni Dennis Trillo

By Cherry Sun
Published April 24, 2019 5:19 PM PHT
Updated May 11, 2020 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay and Tekla with Dennis Trillo


Naloka sina Boobay at Tekla kay Dennis Trillo nang mag-guest ang aktor sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo, May 10.

Naloka sina Boobay at Tekla kay Dennis Trillo nang mag-guest ang aktor sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo, May 10.

Hindi inurungan ni Dennis ang naughty questions nina Boobay at Tekla. Kaya naman, pati ang fun-tastic duo ay hindi napigilang mapasigaw at mahulog sa kanilang upuan sa pagsagot nito ng mga tanong sa 'Feeling the Blank' segment.

Si Dennis din ang nang-good time sa 'Pranking in Tandem' segment kung saan nabiktima ang audience sa kanyang cooking skills.

Nakasama rin nina Boobay at Tekla sina Kate Valdez at Shaira Diaz sa larong 'Talas-Salitaan.' Si Kate ang kakampi ni Boobay habang si Shaira naman ang teammate ni Tekla. Aling team kaya ang nagwagi sa paghula ng mga salita?

Tuloy-tuloy din ang good vibes nang dalhin nina Boobay at Tekla sa isang popular summer destination ang larong 'Utakan: Paramihan ng alam.' Hindi rin napag-iwanan ang studio audience dahil puro kalokohan ang hatid ng fun-tastic duo sa 'Dear Boobay and Tekla' segment.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!